annette hug


August 14, 2024. «Ika-4 na Saling Panitik. Seminar palihan Bienvenido Lumbera. Pagsasalin ng literatura at pilosopiya ng Germany patungo sa wikang Filipino». Lecture ni Annette Hug «Minsa'y malayo minsa'y malapit din ang Filipino sa German. Ilang Halimbawa» at «Lunsad-aklat ng salin sa German ng «Bago Mo Ako Ipalaot» (Offenes Meer) ni Dr. Luna Sicat Cleto. Video. 


Bagong video ng Swiss Embassy: Masaya akong ipepresent ang tulang "Sulat mula sa Switzerland" ni Aida F. Santos. (Kahit maiksi lang ang binabanggit ko.)


60th UP National Writers Workshop. Talumpati at talakayan tungkol sa nobelang «Tiefenlager». August 17, 2021, online

 


Pangalawang video ng Swiss Embassy, para sa #RizalDay, December 30, 2020: Maraming salamat kay Prof. Ramon Guillermo. Nag-usap tayo tungkol kay Rizal, tungkol sa pagsasalin, sa paghimaksikan at sa mas magandang kapatid. (Sa mga katwiran din, pala.)

 


Para sa Buwan ng Wika 2020, ginawa ng Swiss Embassy ang portrait na ito.

Sa Buwan ng mga Kababaihan, March 2021, lumabas isa pang portrait sa Panahon TV. 



«Ang sarap ng wika!» 

Bakit nais kong magsalin ng panitikang Filipino 

 

Isang umaga noong March 2015, pumila ako sa harap ng isang Supermarket sa Welcome Rotunda. A las dies pa lang ito magbubukas. Sa tabi ko, pumila ang isang eleganteng babae, medyo may edad na. Ngumiti kami sa isa't isa, nag-usap nang kaunti at pagkatapos sabay kaming pumasok sa MacDo para makaupo at makainom ng kape. Ikinuwento niya ang kanyang trabaho bilang isang guro ng wikang Tsino. Nagturo daw siya ng Mandarin sa isang paaralan ng mga Tsinoy malapit sa Banawe Street. Masuwerte na raw nakapag-retire na siya. Sangayon sa kaniya, hindi raw mahilig sa Mandarin ang mga bata, kahit ang mga magulang nila ay Tsino. Wala raw tiyaga. At biglang tinanong niya sa akin: 

- «And what do you promote in the Philippines?» 

Hindi ko naintindihan ang kahulugan ng kaniyang tanong. Kaya ipinaliwanag niya sa akin: 

- «Have you come here to promote a religion? Or a commercial product? Or do you promote a a particular concept of development?» 

Medyo nagulat ako sa kanyang mga tanong at ako'y nagtaka. Pinag-isipan ko muna, bago ko siya sinagot:  

- «I would like to promote Filipino literature in Germany, Switzerland and Austria.»

Ikinuwento ko sa kanya ang mga sinusubukan kong pagsasalin ng mga nobela nina Edgardo M. Reyes, Lualhati Bautista, Ramon Guillermo. Hindi niya nabasa ang mga ito.  

– «Maganda ba ang mga librong iyan?», tinanong niya sa akin.

– «Opo, labis pong napakaganda.»

 


Palagay ko, mahalaga sa mga mambabasa sa Europa ang mga kwento mula sa buhay-buhay ng mga tao sa isang napakalaking lungsod, katulad ng Metro Manila. Ganoon ang mga maiikling kwento ng batang manunulat ng PUP, Polytechnic University of the Philippines. Halimbawa ay ang librong «Sabi ko sa iyo 'Tol, TARA NA!»


Nag-aral ako sa Department of Women and Development Studies, University of the Philippines, Diliman, noong 1992 hanggang 1994. Doon ako nakilahok sa mga talakayan ng kilusan ng kababaihan. Naging mahalaga ang karanasang ito sa pag-uugat ng aking kaisipan at pagsusulat. Gusto ko sanang ipakilala sa aking mga kausap at mambabasa sa Europa ang malawak na mundo ng mga intelektuwal sa Pilipinas, katulad nina Aida F. Santos, José P. Lacaba, Maritez Vitug, Jun Cruz Reyes, Marjorie Evasco, José Dalisay, Estrella A. Consolacion, Charlson Ong at marami pang iba. Malapit sa puso't isipan ko ang mga ka-edad kong mununulat, lalo na si Luna Sicat Cleto at si Ramon Guillermo. Sa kasalukuyan, sinusubukan kong magkapaghanap ng manglilimbag para sa mga sinalin kong mga tula ni Luna Sicat Cleto: «Bago Mo Ako Ipalaot». 


Sikat na sa Europa ang mga pelikulang «arthouse» mula sa Pilipinas, pati na rin ang mga obra ng dekada 70. Pumasok na ang «Maynila – Sa mga kuko ng liwanag» ni Lino Brocka sa archives ng Cannes Classics. Ang pelikula ay binatay sa ka-pansin-pansin na nobela ni Edgardo M. Reyes: «Sa mga kuko ng liwanag». Dapat din isalin ito sa mga wikang Europa. 


Ang una kong nobelang nabasa sa wikang Filipino, noong 1994, ay sinulat ni Lualhati Bautista. Parang team song yan ng aming barkada noon: "Bata, bata, paano ka ginawa?

 

Para sa mga nag-aaral ng Tagalog o Filipino, higit na nakakatulong ang mga obra nina Juan Miguel Severo, GLOC-9 o Parokya ni Edgar. Doon natin natututunan ang kaibahan ng mga mai-ikling salita at ang mga karaniwang pananalita. Halimbawa: Sasabihin ba natin "na" o "pa"? Taga-hanga ako ni Juan Miguel Severo: «Isang Letra» 

Una kong narinig ang awit na "Akala ko" nina "Parokya ni Edgar" sa isang karinderia. Gumagaan ang damdamin ko sa mga sinasabi ng awit nila: "wag kang matakot na baka magkamali, walang mapapala kung di ka magbakasakali …".